Friday, July 1, 2011

Pampasakit Puson...

Journal Entry: Feb. 5, 2011. 10:53PM. 

Matagal tagal ko nang hindi nagagamit ang salitang "malungkot" para ilarawan ang kung anumang negatibong nararamdaman ko. Hindi ko alam, pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, sa mga nagdaang taon eh natuto ako kung pano maging positibong tao. Kadalasan, "bad trip" o "wala lang ako sa mood" ang ginagamit kong panghalili para ideskrayb ang nararamdaman ko 'pag may bigat sa dibdib akong tinatamasa. 

May trabaho naman ako. Kahit hindi pa 'ko sumusuweldo at sa a-kinse pa ang unang pay-out, malakas ang kutob kong magandang kumpanya naman 'tong napasukan ko; magandang kumpanya + malaki-laking sahod + masasayang katrabaho = walang dahilan para hindi sumaya! 

Wala rin namang problema sa bahay. Maayos ang takbo ng buhay sa kapiranggot naming tahanan. Nakakaraos naman kame sa araw-araw. Kahit minsan eh kain, tulog, ligo, tapos kain ulet na lang ang ginagawa ko sa bahay, bwenas na 'kong hindi ako nasisita ng mitikulosa kong Mamá. Wala pa ring dahilan para magmaktol... 

Subalit, netong mga nagdaang araw, tila may negatibong enerhiyang humihila sa'kin patungo sa mga takot at insecurities ko sa buhay. Animo'y may mga espiritu ng mga Dementor sa paligid na hinihigop lahat ng kasiyahang pwede kong tamasin. Ultimo yung ligayang pwede kong madama sa pagtingin sa kyut na pusang humihikab, binuburaot. Peste! Teka, najejebs ako. Bigla 'kong nawala sa mood magdrama. Tsaka na nga 'to...

Monday, February 21, 2011

JumoJournal Entry

"Marami akong napapansin. Hindi ko lang maishare sa iba. Salamat Blogger. Ikaw na'ng gagawin kong Manila paper at Pentel pen ng buhay ko..."

Nang tanungin ako netong Blogger kung ano daw ang gagawin kong description ng blog na 'to, 'yan ang unang pumasok sa isip ko. Mga bagay na napapansin ko. Parehong mabuti at masama. May mga makakabuti sa'kin. May mga makakasama. Pero mas marami 'yung nakakasama. Totoo. Marami akong napapansin. Marami akong nababasa at naririnig. Matagal na 'kong naghahanap ng kausap. Matagal ko nang gustong may makakuwentuhan tungkol sa mga nakikita't naririnig ko. Pero mangilan ngilan lang ang nakikita 'kong empathetic sa'ken.

----

Labing anim na minuto makalipas ang alas-tres ng hapon. Hindi ako makahanap ng gagawin. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na matutulog ako uli, pero pagpikit pa lang ng mata, kinatatamaran ko na. Speaking of tinatamad, tinatamad talaga 'ko ngayon. Tinatamad akong kumilos. Tinatamad akong kumain. Tinatamad akong magsalita. Tinatamad akong magpahinga. Tinatamad akong tamarin. Pakshet.

3:38PM na, wala pa rin akong naiseshare dito na may sense. Kanta na lang muna 'ko.

"What can I do to make you love me (doot doot doo, doot doot doot du doo)...
What can I do to make you care (what can I do to make you ker)
What can I say to make you feel this (doot doot doo, doot doot doot du doo)..."

-Ang laking impluwensya talaga ng bandang The Corrs sa'kin. Musikang humubog sa kabataan ko. Ang sarap balikan...

----

Tinatanong ako ng kaklase ko nung hayskul kung tungkol san daw ba 'tong ginagawa kong 'to. Sabi ko, nagbablog ako. Nagpifeeling. Frustration ko kasi nung hayskul ang magsulat. 'Yung ma-express kung anong saloobin ko. Tinangka ko pang sumali sa editorial org nun para sa school paper nung araw. Kaso 'di ko tinuloy. Stereotype na kasi para sa karamihan sa skul  na 'pag kasali ka sa ganung klaseng organisasyon, nerd ka. Ayoko namang ma-tag na weirdo, freak, nag-uumpog ng ulo sa pinto ng CR o nang-aaway ng sarili. Sa totoo lang, hindi ko rin matandaan kung may org nga kaming ganun nung hayskul. Puro club lang ata. Science Club. Math Club. English Club. History Club. Lahat na lang ng subject ginawan ng club. Binalak ko pa ngang magpauso nun. Cutting Classes Club. Madalas kasi 'kong mag-cutting nun. Ayokong ayokong pasukan ang hinayupak na Keyboarding at Steno. Feeling ko kasi pangmatanda 'yung subject na 'yun. Kaso baka ako lang maging kasapi ng CCC (Cutting Classes Club). Matitino lahat ng ka-batch ko. Ako na siguro ang pinakapasaway.

----

Teka lang. Magyoyosi muna 'ko... (Ate! Marlboro Lights nga, saka Royal, pakiplastic...)

----

Nagpost ako ng status kanina. Sabi ko: "Working on a blog... DND". May nag PM sa'kin, tinatanong kung ano daw 'yung DND. Oh come on. Sa panahong 'to? Computer age? Hindi niya pa rin alam? Kinupal ko nga ang loko. Sabi ko, Dunkin' N Donuts. HAHAHAHA. Parang gago na 'ko dito.

----

Tanghaling tapat kanina, nang maalimpungatan ako. Ang iingay ng mga kapitbahay. Nagtitilian ang mga hindot. Out of curiousity, umentra 'ko sa sala ng mga kaututang-dila ko dito sa compound namen. Nagtanggal ako ng muta sa mata, nagmumog sandali para lang hindi halata na hindi ako nagsepilyo bago matulog, tinanggal ang tsinelas sa may bukanan ng pinto sabay duro sa kanila at sinabi nang nakapamewang: "Anong kakerengkengan ang nangyayari dito?!?!". Sumagot ang isa sa mga hitad, "Si Goo Joon Pyo hinalikan si Geum Jan Di! Sheeeeeet!!". HUTANGHENA!! Nabitin ang tulog ko dahil sa Boys Over Flowers. Ang tagal nang tapos neto sa TV 'di ba?

Nagtanong ako ule sa isa sa kanila... "Ano bang meron diyan? Ba't gustong gusto niyo?" Ang sagot ba naman saken... "Eh nakakakileg eh. Anong pake mo?". Um-ok na lang ako. Salamat sa pagsupalpal sa'kin ng realization na 'yan. Para tuloy akong batang kakatuklas lang na ang araw ang nasa gitna ng Solar System. Enlightened na enlightened ako. Promise! #sarcasm

----

Eto na. This is it. Matapos ang isang oras na pagtitig sa monitor, pakikinig ng 90's song sa YouTube, pagpapalit palit ng page from 'Home', to 'Profile', 'Home' ule, tapos 'Profile' na naman, nasa mood na 'kong mag vent out.

Sa dami nang makakasagupa ko. Bakit si Superman pa? Si Superman na ayaw magpatalo. Si Superman na may paliwanag sa lahat ng ibato sa kanya. Aminado naman ako eh. Hindi ko siya kaya. Sa mga litanya niya pa lang, talo na 'ko. Hindi sa nagpapakita 'ko ng kahinaan, pero pakiramdam ko, napaka preposterous kung papatulan ko pa. Nako, 'pag nakausap mo 'tong si Superman, kahit tapatan mo ng Kryptonite, hindi manghihina. Hindi ka titigilan. Ang kupal nga minsan eh, mala-Mortred ang utak. Ang lakas krumitical thinking. Lahat na lang ata ng bagay, ginagamitan ng matinding pagninilay nilay. Ultimo mga disposable na kubyertos at mga langgam na nagtitipon tipon sa tsinelas na natuluan ng softdrinks, napapansin. Pakshet talaga.

Wala talaga 'kong balak mag react sa mga nababasa 'kong post ni Superman. Kaso this time, it's starting to get on my nerves. Wow! The nerves (@PurpleLittleLai). Kahit kelan talaga, ayoko ng online arguments. Wala 'kong talento na magpaliwanag ng mga point online eh. O 'yung makipagtalo at makipag-perfekan ng split sa ibang tao, 'yung tipong kelangan 'yung legs mo eh perpendicular talaga na nakalapat sa sahig, ayaw ko nun. Mananahimik na lang ako at magmamasid. Siguro tatawanan 'yung ilang mga sinasalitype nila na para sa'kin eh inappropriate, pwede. Iismid nang pahapyaw, posible. Pero hindi 'yung titipa na lang ng mga letra sa keyboard, at magngangangawa na animo'y may declamation na nangyayare. Aminado 'ko, nagawa ko rin 'yun minsan. Pero lubos kong pinagsisisihan na nagpaka-patola pa 'ko. Hindi rin siguro 'ko madadawit sa nasabing usapin kung hindi ako nakielam.

A.S.A.L (Ang Sa Akin Lamang)

-Kung may dapat pag-usapan, nawa'y 'wag natin gamitin ang teknolohiyang ito para ayusin ang mga bagay bagay. Magpakalalake tayong lahat, magharap-harap, tsaka pag-usapan at linawin ang mga hindi napagkaintindihan. I'm sorry, but for me, ang online bickering ay pang-cowards only. #taglish
-Hindi dahil nananahimik ako eh wala 'kong pakielam sa mga nangyayari. May gusto rin akong i-point out, inuulit ko, ayoko lang gamit ang Internet. Bobo 'ko dito eh.
-Kung nababasa mo 'to at tinatamaan ka, pasensyahan tayo. Ikaw ang nagsimulang magpahaging at padaplisan ako ng mga post mo. Ginagawa ko 'to para sa 'Balance of Nature'. Para even lang. Walang personalan.
-Kung tunay tayong mga mature nang tao eh ipakita naman natin with our words and actions. 'Wag tayo masyadong magpahalata na MINSAN eh one-sided tayo tumingin sa mga bagay bagay. Kasi 'yang MINSAN na 'yan, 'yan pa 'yung KADALASANG napupuna.

----

"Silence doesn't entail guilt..." -- mula sa kaibigang masama rin ang loob, (Feb 2011)

----

Masyado nang seryoso. Hindi bagay sa isang Eric Sanchez. Kung umabot ka sa part na 'to, salamat sa pagbabasa. Nawa'y may natutunan ka sa mga kaululan ko. Or kung hindi man, at least sana, napangiti ka. Kung trip mo rin, pwede mong i-share sa iba. Pwede mo ring i-copy paste ang link sa mga friends mo, or pindutin ang 'Share' button diyan sa Facebook. 'Wag mo lang i-copy paste 'yung buong piece tapos sasabihin mo na ikaw ang may gawa (as if worth bragging 'tong blog na 'to), ha-huntingin kita't ipapapugot ko 'yang ulo mo. Ok? Live high! Enjoy! =)