Friday, July 1, 2011

Pampasakit Puson...

Journal Entry: Feb. 5, 2011. 10:53PM. 

Matagal tagal ko nang hindi nagagamit ang salitang "malungkot" para ilarawan ang kung anumang negatibong nararamdaman ko. Hindi ko alam, pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, sa mga nagdaang taon eh natuto ako kung pano maging positibong tao. Kadalasan, "bad trip" o "wala lang ako sa mood" ang ginagamit kong panghalili para ideskrayb ang nararamdaman ko 'pag may bigat sa dibdib akong tinatamasa. 

May trabaho naman ako. Kahit hindi pa 'ko sumusuweldo at sa a-kinse pa ang unang pay-out, malakas ang kutob kong magandang kumpanya naman 'tong napasukan ko; magandang kumpanya + malaki-laking sahod + masasayang katrabaho = walang dahilan para hindi sumaya! 

Wala rin namang problema sa bahay. Maayos ang takbo ng buhay sa kapiranggot naming tahanan. Nakakaraos naman kame sa araw-araw. Kahit minsan eh kain, tulog, ligo, tapos kain ulet na lang ang ginagawa ko sa bahay, bwenas na 'kong hindi ako nasisita ng mitikulosa kong Mamá. Wala pa ring dahilan para magmaktol... 

Subalit, netong mga nagdaang araw, tila may negatibong enerhiyang humihila sa'kin patungo sa mga takot at insecurities ko sa buhay. Animo'y may mga espiritu ng mga Dementor sa paligid na hinihigop lahat ng kasiyahang pwede kong tamasin. Ultimo yung ligayang pwede kong madama sa pagtingin sa kyut na pusang humihikab, binuburaot. Peste! Teka, najejebs ako. Bigla 'kong nawala sa mood magdrama. Tsaka na nga 'to...

No comments:

Post a Comment